Litratong Pinoy

LP: Tamad

Tamad….ang tamad ko. Gusto kasi kumain ni hubz ng fish pero wala ako sa wisyo mag luto ng kahit ano fish dish.

Buti na lang meron…..

 

sashimi

 Maguro Sashimi

Sashimi…yehey!!!! 

Wala pang 5 minutes meron na akong masarap pagkain. Hiniwa lang ng manipis with matching soy sauce. kalamansi at wasabi, solve na si Mr. D. 🙂

Araw na naman ng Litratong Pinoy, “Tamad” ang ating tema at ito ang aking lahok.

 Happy Huwebes sa lahat.

Advertisements
Categories: Litratong Pinoy | 19 Comments

LP: Taga-Linis

Dahil sa bayong Ondoy maraming lugar sa ating bansa ang nanganagailangan ng tulong nila. Mga taga linis 🙂

linis

Maliban pa sa kanila nangangailang din ang ating mga apektong kababayan ng pagkain, gamot, tubig at damit. Kung nais nyong magbigay ng anumang tulong in kind or in cash, maari lamang pong bisitahin ang link na ito.

Sa panahon tulad ngayon, pagkakaisa ang kiakailangan ng ating bansa.  🙂

Araw na naman ng Litratong Pinoy. Magandang huwebes po sa lahat!

Categories: Litratong Pinoy | 14 Comments

LP: Lansangan

 

lansangan

Yan ang addict sa text, strike anywhere kahit pa sa gitna ng daan.

Nakakatawa di ba…. pero naku ito ay bawal at delikado ha. Ewan ko ba bakit hindi sinita ni manong pulis eh halos 2 metro lang ang layo nya! Hay talaga naman!!!!!

–♥♥♥–

Entry po ito para sa linggong ito sa LP na may temeng Lansangan. Silipin naman natin ang ibang lahok sa Litratong Pinoy

Categories: Litratong Pinoy | 17 Comments

LP: Hapunan

 

sukiyaki

 

Beef Sukiyaki. Complete meal at tamang tama ito sa maulan gabi.  Ito ang noodle soup na paborito kong orderin sa mga jap resto pero syempre sa tulad kong mahilig magluto, sinubukan king magluto ng sarili kong beef sukiyaki. Nagustuhan naman ng aking esposo kaya included na rin ito sa aking recipe collections. 😉

Magandang araw ng huwebes, ito po ang aking lahok sa linggong ito sa Litratong Pinoy na ang tema ay pagkain na naman-ang Hapunan. Dalawin naman natin ang ibang lahok dito.

Happy LP sa lahat!!!

–♥♥♥–

The recipe is posted here by the way.

Categories: Litratong Pinoy | 18 Comments

LP: KK Merienda

kk

Robust Coffee and New York Cheesecake

Maliban sa Original Glazed, type ko rin ang New York Cheesecake Doughnut ng Krispy Kreme. Though limited lang ang pag punta ko dyan dahil medyo matamis kasi mga doughnuts nila at isa pa may kamahalan…. triple and presyo nya compared sa nakalakihan natin donuts pero masarap naman kasi sya talaga.  🙂

Merienda and theme nating ngayong lingo Sa Litratong inoy. Tara bisitahin naman natin ang meriendang hain ng iba. 🙂

Categories: Litratong Pinoy | 22 Comments

LP: Tanghalian

Isa sa paborito naming restaurant ni hubz ay ang Ayutthaya restaurant na  located sa may SM Fairview. I think 4-5 times na kaming kumain dun. I could say na binabalikan namin ang kanilang Tofu Pad Thai at ang ever spicy na curries. 🙂

resto

So one time, inabutan kami ng lunch sa mall na ito kaya we decided na dun maglunch ulit, we tried different dishes naman except Thai Bagoong Fried rice, na lagi naming inoorder ni hubz.

Nai-Chai (Milk Tea). I’m not really a tea drinker but with this kind, I am loving it. The perfect blend of tea and milk made it an awesome drink for me.

nai chai

Tom-Yun Goong Soup (Hot and Sour Shrimp Soup).  It was sour, spicy, hot and really good. Too bad Im not into eating shrimp kaya I only had  little serving.

tomyun soup

Beef Panaeng.  A type of curry  that is sweeter and milder than other curries. Well…. one good reason why we love eating here is because the husband and I love spicy coconut base dishes and their taste are just perfect for our tastebuds!

 

panang

Thai Bagoong Rice. Our Thai meal wouldnt be complete without it.  Eating this was pure bliss. You can even eat it by itself. Yummm

thai fried rice

Thai Green Mango Salad.  This salad blew me away with its  tastebud-awakening flavors and mix of textures. 🙂

green mango salad

 After that lunch, we were so full as in. hehehehe!!!!

This would be my entry for this week’s theme…..este ito po ang aking lahok para sa linggong ito  Litratong Pinoy. 🙂

Happy Thurs po sa lahat, Thess Happy Birthday pla !!!!

Categories: Litratong Pinoy | 15 Comments

LP: Almusal

quickbreakfast

Bagong lutong pandesal…
Mainit init pa. Pahiran ng konting mantikilya partneran pa ng barakong kape, panalo!

Ito ang madalas kong almusal pag weekdays. Madali lang sya kasi iprepare at mabillis kainin. Hindi kasi ako umaalis ng bahay hangga’t hindi nakakapag almusal (kaya madalas akong late sa office, hehehe), ito kasi ang pinakaimportanteng meal sa buong araw. 🙂

Nag almusal na ba kayo…tara na!

Silipin naman natin ang paboritong almusal sa Litratong Pinoy. Happy Thurs sa lahat.

Categories: Litratong Pinoy | 24 Comments

LP: Tuyo talaga!

2yo
Isang bote ng Tuyo, hmmmasarap!!!!

Na try nyo na ba ang spicy tuyo na ito, kung hindi pa naku pag yan ang ulam, sigurado ko, masisira ang diet nyo at baka bigla nyo pang masabi na….
Extra rice pa nga!!!! hehehehe

Araw ulit ng Huwebes, ito po ang aking lahok sa linggong. Masayang araw ng Litratong Pinoy  po sa lahat!!!

Categories: Litratong Pinoy | 27 Comments

LP: Basa eh!

all-wipe-out

Platong basa ng mantika. Hahahaha!!!

Kanina lang puno ng tapsilog yan. Sa sobrang sarap nya, platong basa at butil ng kanin na lang ang natira…!!!

Isang masayang araw ng Huwebes sa lahat. Ito po ang aking lahok sa linggong ito sa LP na may temang Basa (wet).

Silipin naman natin ang lahok ng iba sa Litratong Pinoy

Categories: Litratong Pinoy | 33 Comments

LP: Kandado

Anak ng….
nandyan ka lang pala susi….
pambihira…..

DSC_0938 1

Kanina pa kita hinahanap….
nakalimutan pala kita ng binuksan ko ang gate, Hay…

Hirap ng nagiging makakalimutin….
dahil kaya sa ako’y tumatanda!Hmmmm….

HINDI KAYA noh……
Malilimutin lang talaga!!!!

Makalimutan ko man ang susi sa kandado hindi ko naman malilimutan na araw ng Litratong Pinoy ngayon. . Dali, dalawin naman natin ang lahok ng iba!

Happy Huwebes sa lahat 🙂

Categories: Litratong Pinoy | 13 Comments

LP: Kwentong Dyip

DSCN1725

Mula Batanes hanggang Tawi-tawi, mula Palawan hanggang Davao Oriental, saan mang sulok man ng Pilipinas, sa kanayunan man o sa lungsod, siguradong mamumutawi sa iyong mga mata ang sari-saring kulay at disenyo ng libo-libong mga pampublikong dyipni dito lang sa ating bansa. Mayroon rin na de aircon na usually matatagpuan sa Makati. Mayroon ding dyipni na kung tawagin ay patok dahil ito yung mga dyip parang lumilipad sa bilis.

Hindi ako taga UP o nakatira sa lugar na iyon pero pag napapadaan ako dun may nakaktuwang byahe ang mga dyipni doon, UP Ikot at UP Toki pero dahil sa ginawang jogging lane ang isang bahagi ng kalsada sa loob, nawala na ang UP Toki at naging one-way na lang ang mga dumadaang sasakyan.

Maaring hindi lang sa ating bansa mayroon jeep pero masasabi ko na dito lang sa ating bansa mayroong mga ganitong klase ng mga dyip na makikita ang pagkamalikhain ng mga pinoy. Mapa design man o maparuta, napaka creative talaga. 🙂

Eto po ang aking lahok sa linggong ito sa Litratong Pinoy.
Happy LP sa lahat.

Categories: Litratong Pinoy | 23 Comments

LP: Imposible ba ito?

Alam nyo ba may purpose ang pag aaral ko ng photography, baking at soon ang driving….

Nag aral ako ng baking dahil hilig ko talaga at gusto ko pa madagdagan ang aking kaalaman in terms of techniques and  proper procedure on baking.

Nag take rin ako ng basic course sa photography dahil para sa akin, gusto ko maging pamilyar sa camera ko at ang basic class na aking dinaluhan ay nakatulong para makakuha ako ng magandang shots ng mga portraits at sceneries at syempre ng mga binabake ko. 😉

Sabi ko nga sa last LP entry ko gusto ko rin mag aral ng driving….baket baka itanong mo?

dahil gusto ko magkaroon ng online bakeshop.
At ang pagkakaroon ng online bakeshop kailangan syempre marunong ako mag drive para naman madali ang deliveries at anumang transaction for the business.

Oh di ba may plano ako, hahaha!
Gusto ko kasing maging possible ang pangarap na ito 🙂

caramel

Caramel Bar-natutunan ko ito sa baking class 🙂

Ang magkaroon ng bakeshop…Imposible kaya o posible? Hmmm….

Eto po ang lahok ko sa linggong ito sa Litratong Pinoy na may temang Imposible ba ito? Dalawin naman natin and lahok ng  ating mga ka-LP sa Litratong Pinoy.

Categories: Litratong Pinoy | 20 Comments

LP:Simpleng Pangarap lang!!!

magdrive

Marami akong pangarap…

May simple, me matindi…mayron din pangarap na makatotohanan at mayroon din pangarap na pang fairy tale.

Kung ako tatanungin nyo ngayon kung ano pangarap ko….

Simpleng simple lang….

Gusto ko lang matuto mag drive at mag road trip! YES!!!!masaya yun di ba 🙂

 Ano kaya ang pangarap ng iba. Tara ating silipin sa Litratong Pinoy

Happy LP sa inyong lahat!

Categories: Litratong Pinoy | 23 Comments

LP: Misyon

giveblood

Misyong makatulong sa aking munting paraan….

Isang project sa office namin pag buwan ng Pebrero ay ang blood donation. Pang apat na taon ko ng nag dodonate ng blood. Ang mga nakukuhang dugo mula sa donors ay dinadala ng oraganisasyong ito sa isang ospital para sa mga bata. Sarap ng pakiramdam na kahit papaano ay nakakatulong ka sa mga batang nangangailangan.

Sayang nga lang nitong buwan ng Pebrero wala kaming ganitong programa sa office sa hindi ko alam na kadahilanan pero sana next year magkaroon ulit ng ganitong project-ang blood donation 🙂

Ito ang aking lahok sa linggong ito sa Litratong Pinoy na may temang Misyon. Silipin nating ang misyon ng iba dito sa LP

Categories: Litratong Pinoy | 21 Comments

LP: Alam nyo ba!

ganda

Alam nyo ba….

 gustong gusto ko kunan ng picture ang kabukiran at berdeng lupain. Ganda naman kasi pagmasdan lalo na pag nacapture mo yung actual beauty ng scenery. Kaya last week , nang kami ay punta sa Baguio pinilit ko si Hubz na magdala kami ng sasakyan. Ang problema kasi wala syang kapalit sa pag drive,  hindi kasi ako marunong pa, hahhaha kaya yung buong byahe namin from Manila to Baguio sya ang may hawak ng manibela at ako ang may hawak ng camera oh di ba teamwork 🙂

Eto po ang aking lahok sa linggong ito sa Litratong Pinoy. Tara dalawin nating ang ibang lahok sa LP.

Happy Huwebes po!

Categories: Litratong Pinoy | Tags: | 25 Comments

Blog at WordPress.com.